September 11: President Ferdinand Edralin Marcos Day…?

Kevin Christian A. Pilapil
3 min readFeb 2, 2022

--

Photo from the Official Gazette of the Republic of the Philippines

Sa botohang isang-daang at siyamnapu’t pito ang nagsabing pabor, at siyam ang nagsabing hindi pabor, aprubado na ng Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives) noong ika — 2 ng Setyembre ang House Bill 7137 o ‘President Ferdinand Edralin Marcos Day’ kung saan naglalayong ideklara ang ika — 11 ng Setyembre bilang isang ‘special non-working holiday’ sa Ilocos Norte upang gunitain ang kapanganakan ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Isang lantarang kabastusan ang pagdedeklara ang ika — 11 ng Setyembre bilang ‘Ferdinand Edralin Marcos Day’ sa naturang probinsiya.

“Life and contributions to national development as a World War II veteran”, “distinguished legislator”, “a dictator” , “the one who declare Martial Law here in the Philippines” at “former president,” iilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa dating pangulong Ferdinand Marcos.

Noong ika — 2 ng Setyembre, aprubado na ng kamara ang House Bill 7137 o mas kilala sa ‘President Ferdinand Edralin Marcos Day’ na may-akda ng tatlong kongresista na sina Ilocos Norte 2nd District Representative Angelo Marcos-Barba, pamangkin ni dating pangulong Marcos, Ilocos Norte 1st District Representative Ria Christina Fariñas at Probinsyano ako Representative Rudys Caesar Fariñas na nagdedeklarang gawing ‘special non-working holiday’ sa Ilocos Norte upang ipagdiwang ang kapanganak ng dating pangulo.

Sa Explanatory Note ng orihinal na panukalang batas, tugon ng Ilocos Norte 2nd District Representative Angelo Marcos-Barba, “As a salute to a brilliant man whose vision for the country remains unparelleled, this bill seeks to declare September 11 of every year a special nonworking holiday in the province of Ilocos Norte in commemoration of the birth anniversary of Former President Ferdinand E. Marcos to be known as Ferdinand Edralin Marcos Day.”

Maraming naiambag si dating pangulong Marcos sa Pilipinas noong siya ay nakaupo bilang isang Presidente ng Pilipinas — North Luzon Expressway, Maharlika Highway, pagsasaayos ng imprastraktura, kuryente, tubig, pagpapatatag ng sistema ng hudikatura at ng sandatahang lakas, paglaban sa kriminalidad at kurapsyon ang tinutukan niyang mga proyekto — ngunit hindi dapat kalimutan ang karahasan, katiwalian, at pang-aabuso sa karapatang pantao noong panahong idineklara ng dating pangulong Marcos ang Batas Militar o Martial Law noong ika — 21 ng Setyembre, taong 1972.

“Bakit natin icecelebrate ang 3,257 extra-judicial killings, 35,000 documented tortures, 77 force disappearances, and 70,000 incarceration sa ilalim ng dalawang dekadang madugong diktador. It is unspeakable that this government is trying to sanitize the legacy of the Marcoses,” sabi ni Rep. Arlene Brosas ng Gabriela Partylist.

Hinayaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Kongreso ang kapalaran ng House Bill 7137. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa Virtual Presser, “Rerespetuhin po ng Presidente kung ano po ang magiging desisyon ng mga policy-maker sa Kongreso.”

“Iyan naman po ay katungkulan ng Kongreso. Rerespetuhin po kung ano ang magiging desisyon ng Kongreso,” dagdag pa ni Harry Roque.

“Pambabastos, kasuklam-suklam, at nakakainsulto. Ang ibig sabigin dito, nagkukuwan sila, kinikilala nila ang diktadurya laban sa demokrasya. Eh kaya nga he was toppled,” ayon ito kay Etta Rosales, dating Commission on Human Rights Chief.

Hindi pagmamay-ari ng mga Marcos ang probinsyang Ilocos Norte kaya mayroong karapatan magbigay ng hinain ang mga mamamayang nakatira sa nasabing probinsya kung sila ba ay sumasang-ayon na ideklarang ang ika — 11 ng Setyembre bawat taon bilang isang ‘special non-working holiday’ upang ipagdiwang ang kapanganakan ng dating pangulong Ferdinand Marcos.

--

--